ni Mary Ann Santiago
Pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na agapan ang sakit na katarata, na pangunahing dahilan pa rin ng pagkabulag ng mga tao sa buong mundo sa pag-obserba ngayong Agosto ng “Sight Saving Month”, na may temang “Universal Eye Health: No More Avoidable Blindness.”
Sa forum sa Maynila, sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na ‘wag ipagwalang-bahala ang karamdaman sa mata, at maaaring maiwasan ang pagkabulag kung maagapan ang katarata.
Ngayong taon, tinatayang 332,150 katao sa Pilipinas ang bulag – 33 porsiyento o 109,609 ay dahil sa katarata, 25% (83,037) dahil sa error of refraction (EOR), at 14% (46,501) dahil sa glaucoma.