Isang seaman at isang business analyst ang kapwa nabiktima ng mga hinihinalang miyembro ng “Basag Kotse” gang sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Personal na dumulog sa Mandaluyong City Police sina Juanito Lingal, Jr., seaman, at Jeremy Bryan Tan, business analyst, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga biktima, nangyari ang insidente sa paradahan sa 206 at 207 sa EDSA, dakong 9:45 ng gabi.

Ipinarada nila ang kanilang mga sasakyan sa nasabing lugar at nang balikan nila ito ay basag na ang mga salamin.

DA tinututukan paggalaw ng presyo ng prutas sa pagsalubong sa 2025

Sa Toyota Vios ni Lingal, natangay ang P12,500 cash at ilang personal na gamit habang natangay naman sa Hyundai Tucson ni Tan ang kanyang pasaporte, tablet na nagkakahalaga ng P5,000 at P22,000 cash. - Mary Ann Santiago