Pursigido ang House committee on national defense and security ang dating heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Pangasinan Rep. Amado Espino na maibigay ang dobleng sahod ng mga sundalo, tulad ng pangako ni Pangulong Duterte.

Inaprubahan ng kanyang komite ang paglikha ng technical working group (TWG) na magko-consolidate sa apat na panukala na layuning ma-rationalize at madagdagan ang sahod at iba pang benepisyo ng mga tauhan ng AFP.

Layuning pag-isahin ang House Bills 429, 1490, 5532 at 5592 nina Espino, Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Aangat Tayo Party-list Rep. Harlin Neil Abayon, at 1-Pacman Party-list Reps. Michael Romero at Enrico Pineda. - Bert de Guzman

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter