Inaalam na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog na sumiklab sa power sub-station ng Manila Electric Corporation (Meralco) sa Makati City kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang apoy sa southbound Ayala Service Road-EDSA, Urdaneta Village, pasado 2:00 ng hapon.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bandang 2:37 ng hapon, at idineklarang under fire control bandang 2:56 ng hapon.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy na inaapula ang apoy sa lugar. - Bella Gamotea

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20