MATAPOS ang may 40 araw na eliminasyon sa buong Luzon, ang kauna-unahang BNTV Cup 7-Stag Derby ay aakyat na sa susunod na yugto ng labanan simula bukas sa pagsisimula ng 2-stag semis-finals.

Itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, ang “early bird competition” na ito ay pinapangunahan nila Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at mga bumubuo ng Bakbakan Na TV program.

Para sa mga nag-2-stag elimination sa Abucay, Bataan; Isabela, Pampanga at Tarlac, ang kanilang 2-stag semis ay sa Bacolor Cockpit sa Pampanga sa Agosto 7.

Para sa mga naglaban sa Texas Cockpit, Antipolo; San Roque Cockpit sa Markina; Montalban Cockpit sa Rodriguez, Rizal at sa Morong, Rizal, ang kanilang semis ay sa Texas Cockpit sa Agosto 8.

Ang mga nag-qualify mula sa mga eliminasyon sa Little Coliseum in San Pablo; Lucena Cockpit, Metro Darasa at Calauan, Laguna ay maghaharap sa Metro Darasa, Batangas sa Agosto 8.

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Sa Agosto 11, ang Del Monte Cockpit ang magiging lugar ng lababan para sa mga nakalusot mula sa Sta. Maria, Bulacan; Sta. Monica Cockpit sa Novaliches: Malolos Cockpit at La Loma Cockpit.

May mga semis din na nakatakda sa Las Piñas Coliseum sa Agosto 11 at sa Agosto 8 sa Calaca Cockpit.