ni Roy C. Mabasa

Muling nagpahayag kahapon ng pangamba ang mga diplomat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay ng tumitinding tensiyon sa Korean Peninsula, kabilang ang pinakahuling ballistic missile testing ng North Korea noong Hulyo 4 at 28 at ang mga nakalipas na missile launch at dalawang nuclear test noong nakaraang taon.

Sa isang pahayag na inisyu kasunod ng kanilang Retreat Session, ipinagdiinan ng ASEAN foreign ministers na ang mga development na ito ay nakasisira sa kapayapaan, seguridad at katatagan ng rehiyon at ng mundo.

“In this regard, we strongly urge North Korea to immediately comply fully with its obligations under all relevant United Nations Security Council Resolutions,” ayon sa ASEAN foreign ministers.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinagtibay ang 15-member UN Security Council noong Disyembre ng nakaraang taon, ipinataw ang UN Security Council Resolution 2321 (UNSCR 2321), na binubuo ng pinakamatindi at pinakakomprehensibong parusa, laban sa North Korea.

Ito ay ipinatupad bilang tugon sa ikalimang nuclear test ng North Korea noong Setyembre 2016 at karagdagang patakaran na ipinatutupad sa UNSC Resolution 2270, na ipinatupad din noong Pebrero 2016 kasunod ng ikaapat na nuclear test at satellite launch ng North Korea.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, bawal ang Korea na mag-supply, magbenta o magpadala ng coal, iron, at iron ore.

Mahigpit ding ipinagbabawal sa Pyongyang na magbenta sa ibang bansa ng copper, nickel, silver at zinc, new helicopters at vessels, at maging mga estatwa.

Muli ring nagpahayag ng suporta ang ASEAN foreign ministers para sa “complete, verifiable, and irreversible” denuclearization ng Korean Peninsula sa mapayapang paraan.

Bukod dito, nanawagan ang ASEAN foreign ministers na sanayin ang disiplina at pagtuunan ang kahalagahan ng pagbuo ng mga kondisyong makatutulong sa usapan upang humupa ang tensiyon.

Nagpahayag sila ng suporta sa pagpapabuti ng inter-Korean relations upang mapalaganap ang permanenteng kapayapaan sa Korean Peninsula.

“ASEAN stands ready to play a constructive role in contributing to peace and stability in the KoreanPeninsula,” ayon sa foreign ministers.

At ang pinakahuli, nanawagan sila sa North Korea na “positively contribute to realize the Asian Regional Forum Vision to maintain the Asia-Pacific as a region of lasting peace, stability, friendship and prosperity where States and organizations, both within and outside the region, work in a spirit of mutual trust, appreciation and respect to overcome security threats and challenges and prevent escalation of potential conflicts with a view of creating an evironment conducive to sustainable development, social progress and improved quality of life for all peoples in the region.”