PATULOY ang GMA Network sa paghahatid ng kasiyahan sa mga Kapuso sa buong bansa. Kamakailan lang, ang ilan sa hottest Kapuso stars ay nagtungo sa Laguna, Davao, Cebu, Pangasinan, Batangas, at Zamboanga para sa iba’t ibang regional events.

PINANG~1 copy

Bumisita ang cast ng hit GMA telefantasya na Mulawin vs. Ravena (MvR) sa Laguna noong July 9. Pinangunahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang Kapuso Mall Show sa SM City San Pablo kasama ang co-stars niyang sina Valerie Concepcion, Dion Ignacio, at Winwyn Marquez.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Ang I Heart Davao actor naman na si Benjamin Alves ay lumipad pa-Davao noong July 13 para sa 5th University Fair ng SM City Davao. Nagkuwento si Ben ng kanyang mga karanasan sa paggawa ng I Heart Davao at ibinahagi pa niya sa kanyang fans kung paano niya napagsasabay ang kanyang career at social life.

Samantala, inabangan naman ng mga Kapusong Cebuano ang unang mall show ng cast ng MvR noong July 15. Kahit umuulan, hindi nagpaawat sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix sa kanilang back-to-back Kapuso Mall Shows sa Gaisano Grand Mall Mactan at Gaisano Grand Fiesta Mall Tabunok.

Sa Pangasinan noong araw ring iyon, ang mga bida ng bagong Afternoon Prime series na Haplos naman ang nagkaroon ng Kapuso Mall Show sa Robinsons Place Pangasinan. Nakasama ng mga Pangasinense sina Sanya Lopez, Thea Tolentino, Pancho Magno, at Rocco Nacino.

Pinakilig din ng MvR stars ang kanilang fans sa Batangas City nang nagdiwang ang lungsod ng kanilang Sublian Festival noong July 23. Hindi binigo nina Bea, Derrick, Kiko, Bianca, at Miguel ang Kapuso fans na nagpunta sa SM City Batangas para sa kanilang Kapuso Mall Show. Kasama rin nila dito ang bida sa My Love From The Star na si Gil Cuerva at sina Jackie Rice at Migo Adecer.

Nagkaroon pa ng Kapuso Mall Shows sa Pangasinan at Zamboanga City noong July 29. Special treat ang inihandog ng mga bida ng I Heart Davao na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kanilang fans sa Magic Mall Urdaneta. Kasama rin sa nasabing show ang Kapuso boy band na One Up. Sa Zamboanga City naman, binisita ng MvR stars na sina Derrick, Bianca, at Miguel ang kanilang fans sa KCC Mall de Zamboanga.