NI: Ni Gilbert Espeña

Nagwagi si dating WBA at IBO bantamweight champion Rau’shee Warren ng United States kay ex-IBF super flyweight beltholder McJoe Arroyo ng Puerto Rico sa 12-round unanimous decision sa Barclays Center, Brooklyn, New York upang maging mandatory contender ni IBF 115 pounds titlist Jerwin Ancajas ng Pilipinas.

jerwin ancajas copy

“Warren attacked the body (of Arroyo) throughout the bout and landed the cleaner, more effective punches over the 12-round contest,” ayon sa ulat ng Boxingscene.com. “The judges concurred and gave him the decision by scores of 118-10 and 117-111 twice.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I would give myself a B+ for that performance,” sabi ni Warren na nakalista pa ring No. 8 sa WBC at No. 12 sa WBO sa bantamweight division.. “I wanted to make sure to use my jab and I felt like it really helped me win the fight.”

Susunod na hahamunin ni Warren si Ancajas na nagpalasap ng unang pagkatalo kay Arroyo sa 12-round unanimous decision noong Setyembre 3, 2016 sa Taguig City.

“I feel really good at this weight. Now it’s time for me to go get a strap,” dagdag ni Warren. “I haven’t been at this weight since the Olympics. I want to get these titles and then go down to 112 pounds for another title. First I want to take care of Jerwin Ancajas.”

Napaganda ni Warren ang kanyang rekord sa 15-2-0 win-loss-draw na may 4 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Arroyo sa 17-2-0 win-loss-draw na may 8 panalo sa knockouts.