MAS maraming seminar at malawakang propaganda para sa tamang paggamit ng helmet at disiplina sa kalsada ang isinusulong ng Motorcycle Development Program Participants Association, Inc. (MDPPA) sa nakalipas na mga taon.

MDPPA copy

Ayon sa datos ng MDPPA, tumataas ang bilang ng mga motorcycle riders bunsod nang iba’t ibang aksidente na bunga ng kawalan disiplina at tamang paggamit ng kalsadahan.

“Actually, hindi lamang sa mga moto riders, bagkus maging sa mga drivers ng iba’t ibang sasakyan ay isinasama naming sa mga seminars na ginagawa namin para masiguro ang ligtas na biyahe,” pahayag ni MDPPA president Armando Reyes sa isinagawang media briefing kamakailan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aniya, puspusan ang koordinasyon ng MDPPA sa lahat ng motorcycle dealers para masiguro na sapat ang kaalaman ng mga riders bago mag-may-ari ng motor at humarurot sa kalsadahan.

Sapat din aniya ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan para masiguro na yaong karapat-dapat lamang ang mabigyan ng lisensya na makapagmaneho.

Ang MDPPA ay binubuo ng mga dealers ng motor na Honda, Kawasaki, Suzuki, Yamaha, at Kymco.

Sa kabila ng ilang suliranin na kinakaharap ng motorcycle riders, sinabi ni Reyes na patuloy ang pagtaas ng mga bilang ng mga nagmamay-ari ng motor sa bansa.

“Besides the good economy and more people having increased purchasing power, the strong market performance for the first six months of 2017 reflects the continued bullish demand for motorcycles. This is because motorcycles provide a practical and effective transportation alternative in the face of the worsening traffic conditions, particularly in Metro Manila. They are also very trendy and cost-efficient,” sambit ni Reyes.