SYDNEY (AFP) – Binalak ng apat na lalaking inakusahan ng planong pagpapabagsak sa isang eroplano na gumamit ng poisonous gas o crude bomb na itinago sa meat mincer, iniulat kahapon.

Ang mga suspek –dalawang amang Lebanese-Australian at kanilang mga anak -- ay inaresto sa Sydney nitong Sabado ng gabi.

Iniulat ng Sydney Daily Telegraph na binalak nilang isakay ang device sa isang commercial flight mula Sydney patungong Middle East bilang hand luggage. Binanggit naman ng pahayagang The Australian na sinabi ng ilang sources na ‘’non-traditional’’ ang device na maaaring maglabas ng toxic sulphur-based gas.

Kung natuloy ang plano papatayin o paparalisahin ng device ang lahat ng sakay ng eroplano.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Pinaigting na ang seguridad sa lahat ng domestic at international airports sa buong Australia matapos ang mga pag-aresto.