ni Mary Ann Santiago

May bago ng obispo ang Diocese of Lucena sa katauhan ni Father Mel Rey Uy.

Inanunsyo ng Vatican ang pagtalaga ni Pope Francis kay Bishop-elect Uy, na diocesan economus ng Diocese of Romblon, kamakalawa ng gabi, oras sa Maynila.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Uy ay ipinanganak noong Enero 6, 1968, sa San Agustin, Romblon at naordinahan bilang pari noong Mayo 24, 1994. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbi ring direktor ng Diocesan Commission on Liturgy at ng Diocesan Pastoral Secretariat.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Papalitan ni Uy sa puwesto si Bishop Emilio Marquez, na umabot na sa canonical retirement age na 75-anyos.