Ni MINA NAVARRO

Tinanggihan ng Associated Labor Unions (ALU) ang P16 umento na alok ng wage board para sa mga manggagawa sa Metro Manila, na malayo sa P184 na dagdag sa arawang sahod na hiling ng grupo.

“We reject the P16 wage hike being offered by the wage board. We rather urge the wage board to be relevant and responsive to the needs of workers and their families by raising the workers’ daily pay to P675,” sabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU.

“The workers who helped built the country’s consistent high economy growth through their toil and sweat does not deserve P16,” giit pa ni Tanjusay.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ang P16 ay inialok na idadagdag sa kasalukuyang P491 minimum na arawang sahod ng anim na milyong manggagawa sa 17 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila.

Sa pagtatapos ng konsultasyon sa publiko nitong Huwebes, inihayag ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) na dapat mag-umento ng P16, gayung P184 ang ipinetisyon ng ALU nitong Hunyo 6—isang taon pagkatapos na ipatupad ang kasalukuyang P491 daily minimum wage rate.

Tatlo ang inihaing petisyon sa RTWPB-NCR para sa wage hike, at kabilang sa mga ito ang sa ALU.

Iginigiit ng ALU ang P184 na dagdag-sahod para maibalik ang tunay na halaga ng P491 na nakakabawas ng 27% noong Mayo 2017.

Batay sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Mayo 25, 2017, ang purchasing power ng P491 ay P357, ayon kay Tanjusay.

Sinabi ni Tanjusay na inaasahang ihahayag sa susunod na linggo ang pinal na desisyon ng wage board tungkol sa ipinepetisyong umento para sa mga manggagawa sa Metro Manila.