Ni: Marivic Awitan
Blatche at Maliksi, sibak sa PH Team sa Fiba-Asia Cup.
MAY 12 araw ang 12 napiling miyembro ng Gilas Pilipinas na magkasama-sama, magensayo at paghandaan ang pinakamabigat na hamon para sa Pinoy cagers sa kasalukuyan – ang 2017 FIBA Asia Cup.
At sasabak ang Pinoy sa torneo na wala ang naturalized player na si Andray Blatche, gayundin ang Hotshots sweet-shooting na si Allein Maliksi.
Sa kanyang Twitter account, ipinahayag ni Reyes nitong Martes ng gabi ang opisyal na 12-man Gilas Pilipinas line-up na binubuo nina Ginebra slotman Japeth Aguilar, San Miguel’ forward June Mar Fajardo, Alaska’s Calvin Abueva at Carl Bryan Cruz, Rair or Shine stars Gabe Norwood at Raymond Almazan, Talk ‘N Text Jason Castro at Roger Pogoy, Globalport star guard Terrence Romeo, Jio Jalalon ng Star Hotshots, Matthew Wright ng Phoenix at Fil-German Christian Standhardinger.
Ang pahayag ni Reyes ay kasabay nang pagsumite ng opisyal na line-up ng Gilas sa Fiba-Asia organizers na nagbigay ng deadline sa pagsumite ng line-up nitong Hulyo 25 kahapon.
Nakatakda ang FIBA-Asia Cup sa Agosto 8-20 sa Beirut, Lebanon.
Walang malinaw na dahilan na ibinigay ang Gilas management, gayundin mismo si Blatche hingil nang kabiguang makasama ang team laban sa pinakamahuhusay na koponan sa Asya. Bahagi ang 6-foot-7 na si Blatche sa 2014 World Cup sa Seville, Spain.
Tumimbang ang 6-8 na si Standhardinger at si Cruz bunsod nang matikas na perpormance kamakailan sa Jones Cup sa Taiwan. Orihinal na kasama ang dalawa sa SEA Games-bound team na magdedepensa sa korona sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.