Ni: Mary Ann Santiago

Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na sibakin sa puwesto si Environment Secretary Roy Cimatu dahil hindi umano sapat ang pagiging pro-environment o maka-kalikasan nito.

Ang kahilingan ni Father Edwin Gariguez, executive secretary ng CBCP-National Secretariat for Social Action (NASSA), ay kasunod ng kautusan ni Cimatu na ibalik ang kapangyarihan ng regional offices ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mag-isyu ng permit, partikular sa mga proyektong kritikal sa kalikasan, na kabaligtaran ng aksyon ni dating DENR Secretary Gina Lopez.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji