NI Marivic Awitan

Cardinals, sinalanta ng EAC Generals.

NANGUNYAPIT ang Emilio Aguinaldo College Generals sa lubid ng kabiguan para makaalpas ang maagaw ang 77-72 panalo kontra sa Mapua University Cardinals nitong Martes sa NCAA Season 93 men’s basketball championship sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nabitiwan ng Generals ang 10 puntos na bentahe sa final period, ngunit nakabangon sa tamang pagkakataon sa krusyal na sandali para tuldukan ang two-game losing skid.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

BUTATA copy copy

Nagsanib puwersa sina Sydney Onwubere, Jerome Garcia at Raymund Pascua sa krusyal na opensa ng Generals para makabawi at mahabol ang 64-67 bentahe ng Cardinals may 2:36 ang nalalabi sa laro.

"Thankful lang ako dahil we did not go 0-3. So at least yung dalawang talo namin ng sunod, hindi nasundan ng isa pa, so I'm very happy. We prepared hard for this game," pahayag ni EAC head coach Ariel Sison.

"Simple lang naman yung sinabi ko sa kanila, laro lang tayo, no worries and play good defense,” aniya.

Mula sa 10 puntos na bentahe ng Generals sa fourth period, nagawang matapyas ng Cardinals ang kalamangan sa naisulong na 21-8 run sa pangunguna nina backcourt Andoy Estrella, Leo Gabo at Christian Bunag, 67-64.

Nakabawi sina Garcia at Pascua sa naiskor na anim na sunod na puntos par maibalik ang kalamangan sa Taft-based cagers, 70-67, mahigit isang minuto ang nalalabi sa laro.

Magkasunod na depensa ni Onwubere ang tuluyang nagpatatag sa Generals.

"Iniisip ko lang nung last two minutes, lamang ang Mapua, hindi pwede to. Hindi na talaga kami pwede matalo. Kasi sinasabi ko na contender kami tapos ganun," pahayag ni Onwubere.

Nagsalansan si Onwubere ng 22 puntos at walong rebound, habang kumana sina Juju Bautista ng 12 puntos at 11 rebound; Jervin Guzman na may 13 punto at nag-ambag si Pascua ng 11 puntos.

Nanguna si Gabo sa Cardinals (1-3) sa naiskor na 19 puntos.

Sa juniors division, dinomina ng defending champion (Mapua) Malayan High School of Science ang EAC Brigadiers, 99-60, habang hiniya ng Lyceum of the Philippines University ang Arellano High School 95-85.

Anim na players, sa pangunguna ni Will Gozum na umiskor ng 15 puntos, ang tumipa ng double digits para mahila ang winning run ng Red Robbins sa 4-0.

Nanguna naman si Vincent Cunanan sa Lyceum sa nakubrang career-high 29 puntos.

Iskor:

(Seniors)

EAC (77) – Onwubere 22, Guzman 13, Bautista 12, Pascua 11, Garcia 8, Mendoza J 6, Munsayac 3, Laminou 2, Tampoc 0, Corilla 0, Neri 0, Altache 0

Mapua (72) – Gabo 19, Raflores 17, Estrella 12, Bunag 8, Victoria 7, Aguirre 6, Nieles 3, Orquina 0, Jimenez 0

Quarterscores: 13-17; 36-30; 52-46; 77-72.

(Juniors)

MALAYAN (99) - Gozum 15, Sapinit 14, Enriquez 14, Sarmiento 12, Bonifacio 11, Escamis 10, Garcia 8, Arches 4, Sarias 4, Socias 3, Jabel 2, Malaluan 2, Dennison 0

EAC (60) - Mananquil 8, Dulatre 7, De Quiros 7, Satillian 7, Castillo 7, Cruz 6, Boado 6, Baliquig 5, Tapales 3, Matilde 2, Oriondo 1, Mostoles 1, Diaz 0, Suniga 0, Ligot 0

Quarterscores: 20-13, 57-29, 81-39, 99-60

LPU (95) – Cunanan 29, Barba 16, De Leon 14, Jungco 9, Guadana 8, Ortiz 5, Ruiz 4, Manuek 4, Sandoval 2, Arenal 2, Salazar 2, Umpad 0, Caringal 0

ARELLANO (85) – Camacho 27, Espiritu 10, Bataller 10, Segura 9, Fermin 8, Domingo 6, Baltazar 5, Tamayo 4, Fornis 2, Camilosa 2, Manacho 2, Liangco 0, Velasco 0, De Leon 0, Codinera 0

Quarterscores: 13-20, 37-40, 71-67, 95-85