NAKAGUGULAT ang simula ng NLEX (2-0) sa PBA Governor’s Cup. At kung may dapat bigyan nang kredito, walang iba kundi ang batang guard na si Kevin Alas.

STAR copy copy

Hataw ang six-foot guard ng 20 puntos, walong rebound at apat na assist sa 112-104 panalo ng Road Warriors kontra Alaska Aces sa opening game ng season ending conference nitong Miyerkules.

Laban sa KIA, dating Mahindra, kumana si Alas ng 13 puntos, limang rebound at isang block sa 100-93 panalo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bunsod nito, walang duda ang pagpili kay Alas bilang PBA Press Corps Player of the Week.

Magaan niyang tinalo sa parangal ang dating kasangga sa Letran na si Phoenix guard RJ Jazul, Meralco's Chris Newsome, Rain or Shine's Maverick Ahanmisi at Star veteran PJ Simon.

Sa tikas ng laro ni Alas, malaki ang tsansa ng Road Warriors na lagpasan ang nakadidismayang kampanya sa nakalipas na season kung saan nakapagtala lamang sila ng apat na panalo.

Target ni Alas at ng Road Warriors na masungkit ang 3-0 karta sa pakikipagtuos sa Rain or Shine sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.