Ni: Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA, Benguet – Walong sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA), na nabibilang sa Sangay Organization sa ilalim ng Militia ng Bayan, ang kusang sumuko sa mga operatiba ng Abra Police Provincial Office at 24th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sinabi ni Chief Supt. Elmo Sarona, director ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR), na nangyari ang pagsuko nitong Hulyo 17.

Ayon sa mga report, ang nagsisukong rebelde ay mga kasapi ng Sangay Organization ng Militia ng Bayan, ang pinakamababang partido pulitikal ng NPA sa kabundukan ng Abra.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Sarona, tatanggap ng mga benepisyo ang mga sumukong rebelde, alinsunod sa Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno, bukod pa sa insentibo kapalit ng mga armas na isinuko nila.