Ni: Lyka Manalo

MALVAR, Batangas - Patay ang isang motorcycle rider matapos itong sumalpok sa isang jeepney sa Malvar, Batangas.

Dead on the spot si Larry Persincula, 34, ng Lipa City, habang kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng jeep na si Christian Benedicto, 27 anyos.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 3:00 ng umaga nitong Linggo nang magkasalpukan ang motorsiklo (DL-1620) ni Persincula at ang pribadong jeep (DKB-445) ni Benedicto sa President J.P. Laurel Highway sa Barangay Santiago.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inararo rin umano ng jeep ang isang sari-sari store sa lugar, ayon sa police report.