Ni: Orly L. Barcala

Hindi umubra sa buy-bust operation ang dalawang babae na kapwa umano tulak ng ilegal na droga sa Navotas City, kamakalawa ng umaga.

Paglabag sa Section 5 (sale) at Section 11 (illegal possession of dangerous drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampang kaso laban kina Ariene Alcaide, 41, ng Lechanco Street, Barangay NBBS, at Voltaira Macahilig, 41 ng No. 628 Lot 23, Phase 2, Aura St., Bgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Navotas Police sa lugar ni Alcaide, bandang 8:30 ng umaga.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nagpanggap na buyer ng shabu sina PO1 Michael Angeto at PO1 Hanlel Buquina at inihanda ang P200 buy-bust money.

At nang magkabayaran at habang inaabot ni Alcaide kay Macahilig ang perang kinita sa pagtutulak, dali-daling dinamba ng awtoridad ang mga suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang pakete ng umano’y shabu at marked money.