Ni: Rommel P. Tabbad

Nanawagan kahapon si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum, Jr. sa publiko na seryosohin ang mga isinasagawang shake drill sa bansa.

Tinukoy niya ang kahalagahan nito sa nangyaring 6.5-magnitude na lindol sa Visayas kamakailan na ikinasira ng mga gusali at kalsada at ikinasawi ng dalawa indibidwal.

Aniya, maliit na porsiyento lamang ang naitalang nasawi sa lindol sa Eastern at Central Visayas dahil karamihan ng mga residente ay nagbigyan na ng sapat na kaalaman hinggil sa lindol.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala naman aniyang mawawala kung seseryosohin ang drill na isinagawa kahapon sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bilang paghahanda sa tinatawag na “The Big One” na kapag tatama sa National Capital Region (NCR) ay ikasasawi ng libu-libong-katao.