TAGUMPAY at tunay na kalugod-lugod ang tanawin sa masayang pakikiisa ng mga kabataan sa pagtatapos kahapon ng tatlong araw na Children’s Games ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Benguet, Cordillera Administrative Region (CAR).

laro copy

Kabuuang 500 batang may edad 13 pababa ang sumabak sa 3 at 5 kilometer fun run bilang hudhay sa pagtatapos ng programa na nagsimula nitong Hulyo 11. Tampok sa programa ang Larong Pinoy kung saan nakipagbuno at nakipagtagisan ng husay ang mga kalahok sa tradisyunal na larong Kadang-Kadang (running on stilts), Sanggol (arm wrestling), Salikawkaw (endurance test), Bultung (wrestling) at Bangngunan (feet wrestling).

Ayon kay PSC Commissioner Celia Kiram, ang pakikiisa ng local na pamahalaan, sa pamumuno ni Benguet Gov. Cresencio Pacalso, ang naging sandigan ng ahensiya para maisakatuparan ang programa na naglalayon na palakasin ang kamalayan ng kabataan sa sports, gayundin na buhayin at panatilihing kompetitibo sa mga sinaunang laro.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bilang hakbang para maipagpatuloy ang kaunlaran sa sports, nagsagawa rin ang PSC ng Barangay Sports Education Seminar na nilahukan ng mga kinatawan mula sa 140 barangay sa lalawigan.

Sa kabuuna, umabot sa 977 bata mula sa La Trinidad, Benguet at karatig na mga kanayunan ang sumali sa 3on3 basketball, gayundin sa football para sa lalaki at babae, fun run at LarongPinoy.

Ikinatuwa ni Dr. Rex Bawang, Director ng Benguet State University Institute of Human Kinetics, ang paglarga ng programa sa lalawigan na aniya’y malaking tulong para sa kaisipan ng kabataan na ibaling ang atensyon sa sports imbes sa anumang walang kapakinabangan na bagay.

“More than the skills and interest in sports that the event instilled in the children, the discipline and determination that it taught them are more than enough reasons to continue this project,” pahayag ni Bawang.

“I hope we can hold this annually,”

Ipinahayag ni PSC Chairman William Ramirez na ilalarga ang susunod na Children’s Game sa Iligan City kung saan nasa abang kalagayan ang mga batang Bakwit na mula sa nagulong Marawi City.