LONDON (AP) – Isa-isa, nalagas ang ‘big shot’ ng tennis.
Matapos masibak si 12-time Grand Slam winner Rafael Nadal sa fourth round, sumunod na rumampa sa bangketa sina defending champion Andy Murray at No.2 seed Novak Djokovic.
Inalisan ng koronan ni Sam Querrey si Murray sa quarterfinals nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), 3-6, 6-4, 6-7 (4), 6-1, 6-1 sa Centre Court.
Naitala ni Querrey ang tatlong sunod na five sets win sa All England Club. Sunod na makakaharap ng 24th-seeded American ang magwawagi sa pagitan nina Gilles Muller at Marin Cilic sa semifinals sa Biyernes (Sabado sa Manila).
Bunsod ng panalo, si Querrey ang unang American na nakalusot sa semifinals sa lahat ng major tournament mula nang magawa ni Andy Roddick na makasunod sa Finals ng Wimbledon noong 2009.
Sumuko naman si Djokovic bunsod nang pananakit ng kanang balikat sa kanyang laro kontra Tomas Berdych.
“It’s not a time and place for me to talk about the details,” Djokovic said after pulling out while trailing 7-6 (2), 2-0. I’m just going to talk with specialists, as I have done in the last year or so, try to figure out what’s the best way to treat it and to solve it, to find a long-term solution,” pahayag ng 12-time Grand Slam titlist.
“The specialists that I’ve talked with, they haven’t been really too clear, mentioning also surgery, mentioning different options. Nobody was very clear in what needs to be done,”aniya.