LONDON (AFP) – Iniulat nitong Martes na patay na ang pinuno ng grupong Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi, isang araw matapos ideklara ng Iraq na naitaboy na ang mga jihadist mula sa Mosul.

Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights, matagal nang sumusubaybay sa digmaan, na nabalitaan nito mula sa matataas na lider ng IS na patay na si Baghdadi.

“Top tier commanders from IS who are present in Deir Ezzor province have confirmed the death of Abu Bakr al-Baghdadi, emir of the Islamic State group, to the Observatory. We learned of it today but we do not know when he died or how,” pahayag ni Britain-based Observatory director Rami Abdel Rahman sa AFP.

Ang kamatayan ni Baghdadi ay magmamarka ng isa pang malaking dagok sa jihadist group matapos mawala sa kanila ang Mosul, na nitong Lunes ay idineklara ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi na malaya na sa IS matapos ang isang buwang opensiba. Ilang beses nang iniulat na namatay si Baghdadi.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina