Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ni Julius Segovia, ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 11, ay magtataas ito ng P1.20 sa kada litro ng diesel, 90 sentimos sa kerosene, at 70 sentimos sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na oil price hike.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hulyo 4 huling nagtaas ng presyo ang oil companies, nang magdagdag ng 70 sentimos sa kada litro ng diesel, 55 sentimos sa kerosene, at 30 sentimos sa gasolina.