Ni NITZ MIRALLES

NGAYONG araw na magsisimula ang airing ng Haplos na hindi lang ang tambalan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino ang mapapanood, pati na rin ang rivalry nina Sanya at Thea Tolentino na gaganap bilang half-sisters.

Biniro si Thea ng mga reporter na tila naunahan siya ni Sanya sa pagbibida gayong supporting lang nila ito ni Barbie Forteza ang aktres sa The Half Sisters, pero nauna pang ini-launch ng GMA-7.

Sanya at Thea
Sanya at Thea
‘Buti na lang hindi ito isyu para kay Thea, ang importante sa kanya ay lagi siyang may trabaho, upang makaipon para sa papasuking food cart business nila ng kanyang tito. Higit sa lahat, makakaipon siya para sa binabalak na Japan trip next year.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Si Sanya naman, hindi inisip na nalamangan niya si Thea, kaibigan ang turing niya rito at nagtutulungan sila para maging maganda ang Haplos. Hindi uso sa kanila ang rivalry.

“Sobra akong grateful na muli akong pinagkatiwalaan ng GMA-7 ng isang magandang project. Ibang challenge sa akin ang karakter ni Angela dahil ibang-iba sa karakter ni Danaya sa Encantadia. Sana tumatak din sa viewers si Angela gaya ni Danaya,” wika ni Sanya.