Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Martes (Filoil Arena)

8 a.m.- Perpetual Help vs CSB (jrs)

10 a.m.- JRU vs LPU (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

12 nn.- Perpetual Help vs CSB (srs)

2 p.m.- JRU vs LPU (srs)

4 p.m.- Letran vs Mapua (srs)

6 p.m.- Letran vs Mapua (jrs)

GINAPI ng San Beda ang San Sebastian, 86-75, kahapon para ipadama ang determinasyon na mabawi ang titulo na naagaw ng Mapua sa opening day ng junior division ng NCAA Season 93 basketball championship sa Letran Gym sa Manila.

TINANGKA ni Michael Calisaan ng San Sebastian na makaiskor sa depensa nina JB Bahio (kanan) at Clint Doliguez sa kainitan ng kanilang laro sa opening day ng NCAA Season 93 nitong Sabado sa MOA Arena. Nagwagi ang San Beda. (MB photo | RIO DELUVIO)
TINANGKA ni Michael Calisaan ng San Sebastian na makaiskor sa depensa nina JB Bahio (kanan) at Clint Doliguez sa kainitan ng kanilang laro sa opening day ng NCAA Season 93 nitong Sabado sa MOA Arena. Nagwagi ang San Beda. (MB photo | RIO DELUVIO)
Hataw sina Peter Alfaro at Addy Velasquez sa naiskor na 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod para maagaw ang panalo sa matikas na Staglets.

Nag-ambag din sina Sam Abu Hijle at Germy Mahinay ng 16 at 10 puntos, habang palitan sa pagdepensa sa pambato ng San Sebastian na si Damie Cuntapay, kumana ng game-highs 25 puntos at 14 rebound.

"San Sebastian has improved a lot, we just had more gas and our bench was deeper in the end," sambit ni San Beda coach JB Sison.

Iginiit ni Sison na sa kaagahan, ipinamalas ng Red Cubs ang katatagan na kinakailangan nila para maibalik ang kampeonato sa Mendiola-based cagers.

Natalo ang Cubs sa Mapua Red Robins sa nakalipas na season’s Finals.

Tangan ng San Beda ang marka na 22 kampeonato sa junior class.

"We can't say this win sent a message but our ultimate goal is to win the championship again," sambit ni Sison.

Iskor:

San Beda (86) - Alfaro 17, Velasquez 16, Abu Hijle 16, Mahinay 10, Nelle 6, Tagala 6, Barbero 5, Etrata 3, Obenza 2, Garcia 2, Lagumen 2, Nayve 1, dela Rosa 0, Sese 0

San Sebastian (75) - Cuntapay 25, Desoyo 16, Villapando 7, Baclaan 5, Pasamante 5, Aguilar 4, Timbancaya 3, Rodriguez 3, Sumoda 3, Calahat 2, Pelias 2, Umayao 0, Espritu 0

Quarterscores: 21-all; 42-36; 62-57; 86-75