Ni: Vanne Elaine P. Terrazola, Jun Fabon at Beth Camia
Sinira kahapon ng anti-drug operatives ang mga ilegal na droga na nasamsam sa iba’t ibang operasyon.
Sa pamamagitan ng thermal decomposition, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ipinagbabawal na gamot na nagkakahalaga ng P134,009,108.
Ang mga droga ay binubuo ng 44.7 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, at 10.5 gramo ng marijuana.
Isinagawa ang operasyon sa Clean Leaf International Corporation (CLIC), Barangay Maysilo, Malabon City.
Ayon kay PDEA Director-General Isidro Lapeña, karamihan sa nasabing droga ay nakuha ng mga tauhan ng PDEA at ng noon ay Anti Illegal Drug Group (AIDG) sa isang paupahan sa Banawe Street, Bgy. Manresa, Quezon City, noong Nobyembre 15 noong nakaraang taon.
“The destruction of seized illegal drugs... will eliminate any misconception that these items are being recycled and peddled back into the streets,” ani Lapeña.