Ni: PNA

Ipa-prioridad ng Kamara sa susunod na sesyon ng Kongreso ang pamumuhunan sa pananaliksik sa layuning mapag-ibayo pa ang estado ng siyensiya at teknolohiya sa bansa, batay sa naging pasya ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Inakda ni Albay Rep. Joey Salceda at aprubado na ng House Committee on Science and Technology, layunin ng Science for Change Program (S4CP) Act o HB 4581, na isulong pa ang agham at teknolohiya upang mapabilis ang “scientific innovations and inventions, and research and development towards global competitiveness.”

Dalawang dahilan ang nagtulak kay Salceda upang buuin ang S4CP: ang UNESCO assessment na nagsabing kailangang dagdagan ng bansa ang researchers, scientists and engineers (RSE) nito; at ang malaking budget ng Department of Science and Technology (DoST).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binalangkas ang S4CP sa pakikipag-ugnayan sa DoST.