Ni: Nitz Miralles

NAPANOOD namin ang latest interview kay Jake Zyrus (formerly Charice) sa Tonight With Boy Abunda at kita na ang malaking ipinagbago ng hitsura.

JAKE copy

Kapansin-pansin na may bigote na siya at flat ang dibdib dahil sa nagpaalis na pala siya ng dibdib at nagpapa-inject ng testosterone. Ang tawag ni Charice sa prosesong ginawa at kanyang pinagdadaanan ay “tiis pogi.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pati boses ni Jake ay iba na, naging mas lalaki na, pero maganda pa rin ang timbre. Sinubukan niyang kantahin ang Pyramid at maganda pa rin ang version niya.

“Charice is gone. What you’re looking at now is Jake. I do feel a different person now. I know who I am. I know I’m a man!”

Sa pahayag na ‘yun ni Jake, sino tayo para kumontra? Ang hindi nagbabago ay ang pagmamahal niya sa musika at matutuwa ang loyal fans ni Jake dahil nagsimula na siyang mag-recording ng bagong album.

May mensahe si Jake sa kanyang ina at lola: “I’m happy and proud of what my mom said I know it wasn’t easy for her. For my lola, someday I know my grandmother will be proud of me.”