Ni: Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Tinatayang nasa R275,000 halaga ng mga gamit, bukod pa sa ilang alahas, ang natangay ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Akyat-Bahay gang na nanloob sa inuupahang apartment ng isang reporter at cameraman ng GMA Network.

Nabatid sa ulat ng Dagupan City Police na dumaan sa likurang bahagi ng apartment ang mga suspek upang nakawin ang mga gamit nina Joan Jette Arcillana, 29, reporter ng GMA 7, tubong Vigan City, Ilocos Sur; at Wilson Sy, 53, cameraman ng GMA 7, tubong Aurora Hill, Baguio City, habang wala ang mga ito.

Ayon sa police report, kabilang sa mga natangay kay Sy ang isang Nikon D7000 camera (nagkakahalaga ng P60,000), isang Fuji SLR camera (P15,000), isang Canon T3I (P70,000), isang DJI Drone w/ monitor, iPod 4 (P80,000), at isang Samsung video camera P20,000).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakuha naman kay Arcillana ang isang Neo laptop computer (P15,000), at isang Nikon camera SLR w/ lens (P12,000).