Ni: Reggee Bonoan

NAGULAT naman kami kay Maymay Entrata, ang Pinoy Big Brother Lucky 7 big winner, dahil hindi pa nga nag-iisang linggo ang self-titled debut album niya simula nang ilabas sa Star Music ay naka-Gold Record award na kaagad! Dinaig pa niya ang matatagal nang singers sa industriya.

Kaya out of curiousity, hinanap namin sa YouTube ang album ni Maymay at pati videos ng launch niya sa Skydome kamakailan.

Maymay copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Aba’y may K din naman pala kasing bumenta ng 10 o 15 thousand copies ang Maymay album dahil may boses naman pala, eh.

Nagustuhan namin ang duet nila ng ka-love team niyang si Edward Barber na Baliw, Kabaduyan, Dear Future Husband, at iba pa.

Higit sa lahat, effortless siyang sumayaw, ang suwabe ng moves niya, ha, kaya hindi na kami magtataka kung mas lalo pang umangat si Maymay sa napili niyang career.

Hindi kasi namin masyadong natutukan si Maymay noong panahon niya sa loob ng Bahay ni Kuya, kaya ang alam lang namin ay super crush niya si Enrique Gil.

Hmmm, dahil parehong magaling sumayaw, baka magkaroon ng production number sina Enrique at Maymay sa ASAP isa sa mga araw na ito.

Anyway, nagulat din si Maymay na umabot kaagad sa Gold Record ang album niya kaya nagpasalamat siya sa lahat ng bumili nang i-post niya sa Instagram ang award na natanggap niya nitong nakaraang Linggo.

Caption sa post ng dalaga, “Walang imposible! Maraming salamat po sa nakakabaliw n’yong suporta po at sa tulong din po ng @starmusic Sir @roxy.liquigan, Sir @jonathanmanalo. Kung ano ang naabot ko, ito’y para sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo.”

Bukod dito, number ang album ng dalaga sa iTunes top album chart.

Kuwento ni Maymay sa ABS-CBN news, “Noon po kasi parang pa-char-char lang na compose, compose at pagkanta pero ngayon bigla na ibinigay sa akin. Masayang-masaya po ako sobra talaga, lalo na sa mga na-inspire sa buhay ko talaga, kaya natupad din ‘yung mga ultimate dreams ko din.”

Singer/performer si Maymay kaya hindi na kami magtataka kung maging in-demand siya sa out of town at out of the country shows, sabagay nabanggit na rin sa amin na marami na raw natatanggap ang Star Music na inquiries sa dalaga mula sa ibang bansa.

Higit sa lahat, aktres na rin si Maymay dahil isinama siya sa La Luna Sangre bilang kapatid ni Daniel Padilla na may diperensiya sa mata.

Bukod sa La Luna Sangre, may ginagawa ring pelikula sa Star Cinema si Maymay kasama siyempre ang ka-love team niyang si Edward Barber na may titulong Loving in Tandem kasama sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

A few days ago, isinulat namin na napahanga kami sa ugali ni Maymay nang makita namin pagkatapos ng red carpet screening ng Reset. Sana’y hindi siya magbago dahil ito ang magdadala sa kanya sa tuktok ng tagumpay, ang magandang pag-uugali at pakikisama sa lahat ng tao.