NI: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Marahas na kamatayan ang sinapit ng isang barangay kagawad at kasamahan nito matapos silang pagraratratin ng kinasisindakang riding-in-tandem criminals sa isang tindahan sa Barangay Cristo Rey sa Capas, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Arlan Herrera ang mga biktimang sina Joel Pelayo, 46; at Ronaldo Rivera, 50, kagawad ng Bgy. Cristo Rey, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na dakong 7:20 ng gabi at nag-iinuman sina Pelayo at Rivera sa tindahan nang rapiduhin sila ng tandem.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog