Ni: Bella Gamotea

Kapwa duguan ang motorcycle rider makaraang magbanggaan ang kani-kanilang motorsiklo sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang mga hindi pa nakikilalang biktima na nagtamo ng mga sugat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Pasay Traffic Enforcement Unit, nangyari ang aksidente sa A. Arnaiz Avenue, dakong 12:05 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, parehong mabilis ang takbo ng motorsiklo habang ang isang rider, na walang suot na helmet, ay nag-counterflow na naging sanhi ng banggaan.

Agad sinaklolohan ng mga tambay ang mga biktima at isinugod sa nabanggit na ospital.