Ni: Jun Fabon

Timbuwang ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hinihinalang hitman sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Alejandro Camacho ng Tactical Operation Center (TOC) ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 6, Batasan Police, kinilala ang biktima na si Paolo Nicor, 26, ng No. 27 Kabutihan Street, Barangay Batasan.

Sa imbestigasyon ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang pamamaril sa bangketa sa Area 5 corner Kalayaan St., Bgy. Batasan, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglalakad umano si Nicanor nang sumulpot ang suspek, na sakay sa motorsiklo at armado ng caliber .45 baril, at pinagbabaril ang una.