BIRMINGHAM, England (AP) — Balik na ang kumpiyansa ni two-time Wimbledon champion Petra Kvitova.
Ginapi ng Czech star ang kababayan na si Lucie Safarova, 6-1, 1-0 (retired) para makausad sa Finals ng Aegon Classic nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Ito ang unang pagkakataong na makasampa sa championship round si Kvitova mula nang masugatan sa kamay nang labanan ang magnanakaw na pumasok sa kanyang tahanan.Ito rin ang unang laban sa grass-court final ng Czech star mula nang magtagumpay sa 2014 Wimbledon.
Hindi man inaasahan ang pagreretiro ng karibal bunsod ng injury, ipinamalas ni Kvitova ang matikas na groundstrokes at husay sa baseline shots.
Makakaharap niya sa Finals si Ashleigh Barty, ang Australian na gumapi kay dating French Open champion Garbine Muguruza 3-6, 6-4, 6-2.
"The hand is good, which is the best news I could have," aniya. "I am not feeling any pain."
"Yes. I could not have imagined a better comeback,” pahayag ni Kvitova, ngunit iginiit niyang malabong makasabay siya sa Wimbledon.
Tatangkain niya ang ika-20 career title sa 27 championship match.
Nakamit ni Barty ang world ranked No. 271 matapos makamit ang unang career title sa Kuala Lumpur nitong Marso. Siya ang unang Aussie na nakaabot sa Finals ng torneo sa nakalipas na 25 taon.
"I executed exactly the way I wanted to. I like slicing it around on the grass, and I didn't do much wrong,” pahayag ni Barty.