HONG KONG – Nakopo ni second seed Francis Casey Alcantara at doubles partner Karunuday Singh ng India ang korona sa US$15,000 Hong Kong ITF Futures nitong Linggo sa Victoria Tennis Center.

Bumalikwas ang tambalan nina Alcantara at Singh sa krusyal na sandali para maitarak ang 6-6, 4-6, (11-9) panalo kontra sa unseeded Japanese pair Tomohiro Masabayashi at Yuki Mochizuki.

Francis Casey Alcantara
Francis Casey Alcantara
Ito ang ikaapat na sunod na doubles title para sa pambato ng Cagayan de Oro City mataposd walisin ang three-leg Singapore Futures kasama si Dutch partner Sam Verbeek.

Bunsod ng panalo, umusad ang 25-anyos na si Alcantara,sa world ranking ng doubles sa No.430.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sunod na sasabak si Alcantara sa dalawang leg Hong Kong Futures, isang torneo na sanctioned ng International Tennis Federation. - PNA