Ni: Orly L. Barcala

Patay sa panlalaban ang isang pedicab driver habang nakatakas naman ang lima niyang kasama sa anti-drug operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa report kay Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, kinilala ang nasawing suspek sa alyas na Lauro na tinatayang nasa edad 40-45.

Ayon kay Police Chief Insp. Ronald Cayago, head ng Police Community Precinct (PCP) 3, dakong 10:00 ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa umano’y pot session sa isang bahay sa Phase 4, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pagdating sa lugar, agad umanong nakita ni Lauro ang mga pulis at pinaputukan, bago pumasok sa bahay kung saan naroon ang lima niyang kasamahan.

Sa puntong ito, gumanti ng putok ang tropa ni Cayago at napuruhan ang pedicab driver at mabilis na nagsitakas ang kanyang mga kasama.