Ni Jun Fabon

Agad kinasuhan sa Quezon City Prosecutors Office ang dalawang illegal drug courier matapos masukol at masamsaman ng 200 gramo ng umano’y shabu sa follow-up operation sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, nasorpresa sa buy-bust operation sina Joel Taruc at Gladwyn Balaguer, na dati umanong empleyado ng Department of Transportation and Communication (DOTC), sa Barangay Tandang Sora, bandang 4:30 ng hapon kamakalawa.

Ayon sa District Special Operation Unit (DSOU) at sa QCPD PS3 Drug Enforcement Unit (DEU), isang buwan nilang tiniktikan ang mga suspek at nagpanggap na buyer ng shabu ang isang pulis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang iabot ng mga suspek ang 200 gramo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P1 milyon, sa poseur buyer ay lumabas na ang mga back up na awtoridad at dinakma sina Taruc at Balaguer sa kanto ng Congressional at Mindanao Avenue.

Kasalukuyang nakakulong sina Taruc at Balaguer sa Camp Karingal matapos kasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).