Laro Ngayon

(FEU-NRMF gym)

7:30 n.g. -- FEU-NRMF vs CdSL-V Hotel

BAKBAKAN na para sa defending champion FEU-NRMF-Gerry's Grill at Colegio de San Lorenzo-V Hotel para sa kampeonato ng 2017 MBL Open basketball tournanent.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinayuko ng FEU-NRMF ang Diliman College-JPA Freight Logistics, 82-76, at muling tinalo ng CdSL-V Hotel ang Philippine Christian University, 95-83, nitong Huwebes upang maisaayos ang winner-take-all title showdown ngayon sa FEU-NRMF gym sa Fairview.

GRILS copy copy

Nagpakitang gilas sina Christian Manalo at import Moustapha Arafat para sa Tamaraws, nakabawi matapos mawala ang ilang double-digit leads sa first half at madehado ng 10-puntos, para itakas ang panalo laban sa Dragons.

Umiskor si Manalo ng 10 sa kanyang team-high 16 puntos sa fourth quarter upang tiyakin ang panalo ng koponan nina owner-manager Nino Reyes at coach Pido Jarencio.

Kumubra naman si Arafat ng limang sunod na puntos sa krusyal na sandali kabilang ang three-point play mula sa foul ni Diliman import Alex Diakhite at dalawa pang free throws -- para sa panalo sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders at Gerry's Grill.

Nag-ambag si Jhaps Bautista ng 16 puntos habang kumubra si dating PBA star Jerwin Gaco ng 13 puntos paraxsa FEU-NRMF, natalo sa Diliman, 84-90, nitong Martes.

Nanguna sa Diliman si Diakhite sa naiskor na 20 puntos. Samantala, muling sumandal ang CdSL- V Hotel sa tambalan nina Algie Baldevia at import Soulenane Chabi Yo, na may pinagsanib na 42 puntos, upang walisin ang karibal at makausad sa Finals sa kasiyahan nina CdSL president Monneth Balgan, manager Jimi Lim at coach Boni Garcia.

Iskor:

(Unang laro)

CdSL-V Hotel (95) -- Baldevia 24, Chabi Yo 18, Formento 12, Laman 11, Castanares 9, Allano 7, Gabriel 4, Vargas 4, Rosas 4, Borja 2.

PCU (83) -- Tambeling 17, Sazon 17, Apreku 11, Mescallado 11, Saldua 10, Manalo 8, Castro 5, Ayonayon 2, Vasquez 2, Camaya 0, Galit 0, Bautista 0, Palattao 0.

Quarterscores: 23-19, 47-37, 72-60, 95-83.

(Ikalawang laro)

FEU-NRMF-Gerry's Grill (82) – Manalo 16, Bautista 16, Gaco 13, Arafat 13, Crellin 9, Santos 5, Abdul 4, Sta. Maria 3, Morales 3, Raymundo 0, Tan 0, Gumabay 0.

Diliman-JPA (76) – Diakhite 20, Torrado 14, Brutas 13, Enriquez 12, Salazar 4, Ligon 4, Corpuz 3, Sombero 2, Antalan 2, Cuerquez 1, Tay 1.

Quarterscores: 20-8, 40-29, 55-60, 82-76.