Ni REGGEE BONOAN

NAPANGITI si Shaina Magdayao sa biro namin nang dumalaw kami sa set ng The Better Half na marrying age na siya sa edad niyang 28.

“Paano?” sambit ng dalaga, “Actually, sobrang tight ng schedule ko.”

SHAINA copy copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Bukod sa busy, paano nga naman, e, wala siyang boyfriend. Wala pa ba siyang nakikitang Mr. Right?

“Wala pa, hindi ko rin masasabi kung kailan, hindi pa siya nabi-bless, hindi pa ibinibigay, siguro kasi marami pang ipinapagawa sa akin si Lord, gawin ko raw muna mabuti lahat, ‘tapos baka ‘yun ang reward ko,” kuwento ng dalaga.

So, puwede na siyang mag-asawa sa edad na... 40?

“Grabe naman, gusto ko po naman magkaanak,” sagot sa amin.

So, 35 years old, puwede na? Natawa ang dalaga.

May hypothyroid si Shaina kaya alam niyang mahihirapan siyang magkaanak.

“Mahihirapang mag-conceive, may mga complication, ibinibigay ko naman ang oras ko, ‘wag naman 40, kayo naman,” nakangiting sabi ng dalaga.

Walang lovelife ang aktres pero blooming. So, sino ang nagpapasaya sa kanya?

“I’m in a good place, everything that’s happening, I cannot single out a certain person because parang lahat, it’s all falling into place. My personal life and my career, I can really say na I’m in a good place. Kasi masaya ako sa trabaho ko, masaya rin ako sa personal kong buhay,” masayang sabi ng dalaga.

Isa sa mga nagpapasaya sa kanya ang bagong foundation na bubuksan nilang magkakaibigan pero hangga’t maaari ay ayaw pa sana niyang banggitin ang pangalan pero launching na nito sa Hunyo 29. Pero makulit kami kaya sinabi rin, Smile Care Foundation and Research Institute.

Kaya nagpunta siya ng Siargao kamakailan, para tingnan ang isang ektaryang lupang idinonate sa kanila para pagtayuan ng nasabing foundation.

“Ngayon, may diversion ako, which is the foundation and I guess, I realized na you don’t really have to be that to serve (gusto kasi niyang magmadre noon). So, ‘yun ‘yung bago kong pinagkakaabalahan.”

Samantala, puring-puri ni Shaina ang buong unit ni Ms. Ginny Ocampo na may hawak ng The Better Half dahil ang gagaling daw lahat, pati writers na ikinukulong para makapagsulat ng napakagandang script.

Ano ang pinakamahirap at hindi malilimutang eksenang ginawa niya sa The Better Half?

“Buong script mahirap. Mahirap ‘yung character ko bilang Camille at marami na akong drama na ginawa, pero iba ‘yung lalim ng character na pinagdaanan ni Camille as a person, ‘tapos iba-ibang level pa. Kasi mayroong young love (Carlo Aquino) ‘tapos hindi ko alam kung sino sa kanila ang greatest love kaya kailangan kong ipakita ‘yung pagmamahal ko sa dalawang tao.

“Marami akong eksenang nagawa na hirap ako. Ang hindi ko malilimutan ay ‘yung sa bundok kasi sunrise, eh, mahilig ako at sa sunset din. Para akong na-energize on that particular taping kasi nakita ko ‘yung sunrise at sunset sa bundok na sobrang ganda. Pero ang hirap niya kasi you have to wait for the sun to rise,” kuwento ni Shaina.

Extended ang The Better Half na laging magaganda ang feedback at mataas ang ratings kaya ang saya nina JC de Vera, Carlo Aquino, Shaina at Denise Laurel. Itinuturing nilang blessing na mahaba pa ang trabaho nila sa show na idinidirihe ni Jeffrey Jeturian.