ATLANTA (AP) – Ipinamigay ng Atlanta Hawks si three-time All-Star at two-time slam dunk champion Dwight Howard sa Charlotte Hornets.

Ayon sa ulat ni Marc J. Spears ng The Undefeated nitong Martes (Miyerkules sa Manila), ipinamigay din ng Atlanta ang karapatan sa ika-31 pick sa darating na NBA Draft kapalit nina Miles Plumlee, Marco Belinelli, at ika-41 pick ng Hornets sa drafting.

Lumagda si Howard ng tatlong taon na nagkakahalaga ng US$70 milyon sa Atlanta sa aniya’y ‘home coming’ sa state na kanyang kinalakihan. Ngunit, dismayado ang fans sa kanyang kontribusyon na 13.5 puntos at 12.7 rebound – pinakamababa mula nang kanyang rookie year.

Hindi rin nagtagal si Howard sa kanyang unang nilipatan na Los Angeles Lakers at Houston Rockets. Nawala ang pagiging dominante ni Howard bunsod ng injury kumpara sa nakalipas na taon mula nang ma-draft noong 2004 season.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe