Ni: Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac – Muling natigmak ng sariwang dugo ang SCTEX sa Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac makaraang magkarambola ang limang behikulo, na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng pitong iba pa, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III ang nasawi na si Eduardo Milabo, 50, nakasakay sa Chevrolet Trailblazer (ABF-1909) na minamaneho ni Melvin Cayabyab, 32, may asawa, na nasugatan kasama nina Arnel Rafallo, 31; Benjie Catindoy, 30; Albert Mercado, 28; Rogelio Obispo, 31, pawang taga-Bgy. Barangka, Marikina City.

Sugatan din sina Frederick Villafaña, 40, driver ng Mitsubishi Canter (WJN-245); Abraham Teranipe, 40, security guard sa SCTEX na nahagip sa aksidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sangkot din sa karambola ang Isuzu Forward Truck (ABD-3146) na minamaneho ni Michael Bugarin, 22, ng Dasmariñas, Cavite; Isuzu DMax na minamaneho ni Lacson Cua, 37, ng Dasmariñas, Cavite; at Benz tanker (ADC-8736), na minamaneho ni Rodelio Dasalla, 45, ng Bgy. Mataranoc, San Manuel, Tarlac.