UPANG makasiguro na hindi madedehado sa championship match, kumuha ng bagong import ang Talk ‘N Text Katropa.

TNT's Joshua Smith tries to stop Ginebra's Justin Brownlee  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
TNT's Joshua Smith tries to stop Ginebra's Justin Brownlee (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Dumating nitong Sabado si Mike Myers na posibleng ipalit sa na-injured na si Joshua Smith. Nasa likod ng TNT bench si Myers nang patalsikin ng Katropa ang crowd-favorite Barangay Ginebra, 122-109, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Nakapaglaro si Smith sa krusyal na sandali ng serye, ngunit halatang limitado ang kilos nito bunsod ng tinamong bali sa kanang hinlalaking daliri sa paa

May taas na 6-foot-8 si Myers at nagmula sa Camden, New Jersey.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

"He was also in our list as import this conference, but we tapped Dontay (Green) and Joshua ahead of him," pahayag ni team manager Virgil Villavicencio.

'We're just fortunate na wala siyang pinaglalaruan when we contacted his agent on short notice."

Iginiit ni Villavicencio na magpupulong muna ang coaching staff at team official upang pagkasunduan kung kailangang palitan si Smith sa Finals kontra sa San Miguel Beer.

"Gusto niyang (Smith) maglaro at mukhang kaya naman. But we still have to meet. We'll see.,” aniya.

Magsisimula ang Game 1 ng Finals sa Miyerkules.