LISBON, Portugal (AP/Reuters) – Iniulat ng Portuguese radio station na TSF na kinumpirma ng Interior Ministry na 25 katao na ang namatay sa mga forest fire sa central Portugal.

Sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na karamihan sa mga biktima ay nakulong sa loob ng kanilang mga sasakyan nang lamunin ng apoy ang kalsada.

May 600 bombero ang kasakuyang lumalaban sa mga sunog sa Pedrogao Grande, may 200 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Lisbon. Sumiklab ang sunog sa gitna ng matinding init ng panahon at ikinalat ng malakas na hangin.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'