061617_Britney_02_MOA_Jun Arañas-2 copy

Ni: FER TABOY

NAGPAHAYAG ng pagkatuwa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa matagumpay na pangangalaga sa malaking concert ng Grammy award winner na si Britney Spears nitong Huwebes ng gabi sa MOA Arena.

Sinabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na maayos na nakipagtulungan ang event organizer at MOA security para maging matagumpay ang concert.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa tala ng NCRPO, umabot sa 10,000 katao ang nanood ng concert at hinigpitan ang pagbibigay ng seguridad.

Pinuri ni Albayalde ang pakikiisa ng mga mamamayan dahil naging epektibo ang “no backpack policy” at maagang pagdating ng mga tao para sumalang sa inspeksiyon.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Albayalde ang ang mga tauhan ng Southen Police District Office (SPDO) at mga tauhan ng NCRPO sa tagumpay ng pangangalaga ng nasabing event.

(Editor’s note: May rebyu ng concert sa pahina 10.)