Ni: Liezle Basa Iñigo

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya sa Tuguegarao City ang pamamaril at pagpatay sa isang lalaking guro sa Barangay Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa panayam kahapon kay PO2 Estanislao Tabao, sinabi niyang inaalam pa ng pulisya kung sino ang nakaalitan ni Joey Baquiran, 33, guro ng Alternative Learning System (ALS), at taga-Bgy. Annafunan East, para paslangin ito.

Nabatid na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at pauwi na si Baquiran sa Bgy. Annafunan East, Tuguegarao City nang barilin sa tapat ng isang book shop bandang 7:00 ng gabi nitong Lunes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog