KUMPIYANSA ang Philippine cycling team na may kalalagyan ang kanilang mga karibal sa pagsibat ng 28th Southeast Asian (SEA) Games sa Agosoto 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ipinahayag ni veteran internationalist at ngayo’y coach na si Norberto Oconer na naabot na ng koponan ang minimithing hangganan sa kanilang pagsasanay at ang kahandaan ang susi sa tagumpay ng Pinoy rider.

“Our riders are in high spirit. They spend almost 10-12 hours of practice. They want to bring the gold especially in the team events-like the Team Time Trial (TTT),” sambit ni Oconer.

Buo ang suportang ibinigay sa koponan ng Philippine Sports Commission (PSC), Pilipinas Cycling president head, at Representative Abraham Toletntino at association’s secretary-general lawyer Billy Sumagi and private supporters that include Seven-Eleven, Storck at Standard Insurance.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Our riders’ team spirit are worth commendable. They can do it,” pahayag ni Oconer, gold medalist sa kanyang event nang kapanahunan niya sa SEA Games.

Kabilang sa koponan sa men’s team sina Mark Galedo, George Oconer, John Mier, Ronald Oranza, Jerry Aquino, Boots Cayubit, Rustom Lim, Felipe Marcelo at Romnic Perez.

Pawang niyembro rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tatlo sa siyam na miyembro ng team tulad nina Oconer at Cayubit (Air Force) at Oranza (Navy).

Ang mga event na nakataya sa SEA Games ay road race, BMX at track na lalaruin sa category na criterium, mass start at team time trial.

Samantala, ipinalabas ng Philippine Olympic Committee (POC) ay inisyal na bilang na 542 atleta na sasabak sa 37-out-of 39 sports, gayundin ang 100 opisyal sa SEA Games.

Hanggang Hunyo 15 ang huling araw sa pagsumite ng ‘entry by name’ sa KL organizing committee.

May kabuuang 11 bansa ang sasabak sa SEA Games -– Thailand, Indonesia, Singapore, Vietnam, Myanmar, Laos, Cambodia, Brunei, Timor Leste, Philippines at Malaysia. (PNA)