Isang tama ng bala sa ulo ang ikinabulagta ng isang lalaki, na minsan nang sumuko Oplan Tokhang, nang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa motorsiklo sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Ferrera, 29, na sinasabing kabilang sa drug watch list ng Manila Police District (MPD)- Station 4 at isinuko na ang sarili sa awtoridad upang magbagong buhay.

Sa report ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, dakong 8:53 ng gabi ay palakad-lakad ang biktima habang may kausap sa telepono at tila may hinihintay sa Domingo Street, ‘di kalayuan sa kanyang bahay.

Nang madaanan, nilingon pa ng mga armado ang suspek at saka huminto at nagpalit ng posisyon ang drayber at ang angkas na suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Hindi na nakunan ng CCTV ang sumunod na pangyayari ngunit ayon sa awtoridad, binalikan ng mga suspek ang biktima at tuluyang binaril sa ulo.

Narekober sa pinangyarihan ang isang basyo ng caliber .45 pistol at ang cell phone ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)