HINDi binigyan ng pagkakataon ng last year’s runner-up Emilio Aguinaldo College ang upset-conscious Philippine National Police para itala ang 94-76 panalo sa 2017 MBL Open basketball tournament kamakailan sa PNP Sports Center sa Camp Crame.

Humakot ng puntos para sa Generals sina Allan Richard Martin, Rustan Bugarin at Jeanu Gano upang tuluyang umarangkada tungo sa unang panalo sa anim na laro.

Umiskor si Martin ng 15 puntos, habang nagdagdag si Bugarin ng 14 puntos at Gano ng 3 puntos para sa EAC, naghahanda sa nalalapit na NCAA season.

Pinagangasiwaan ni coach Bong Melocoton, muling sasabak ang Generals laban sa Philippine Christian University sa Martes.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagsanib pwersa sina Cyril Santiago at Julius Criste para sa kanilang 31 puntos para sa Responders, na nauna nang ginulat ang Wang’s Ballclub, 75-72, nung nakalipas na linggo.

Si Abul Khair Bayabao ay umiskor ng limang puntos habang nagsilbing playing coach ng Responders.

Nagbigay ng suporta sa Responders si PNP Chief Gen.Ronald “Bato” de la Rosa, gayundin si MBL vice chairman Jimi Lim, ngunit kinapos ang PNP cagers.

“Isports lang tayo at enjoy lang sa game,” pahayag ni Gen. De la Rosa sa mga kalahok sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Star Bread, Dickies Underwear, Ironcon Builders ay Gerry’s Grill.

Iskor:

EAC (94) -- Martin 15, Bugarin 14, Gano 13, General 13, Tadua 10, Umali 10, Ubay 9, Gonzales 5, Ling 4, Natividad 1, Estacio 0.

PNP (76) -- Santiago 16, Criste 15, Abaya 10, Cabrera 8, Nicolas 7, Tolentino 6, Bayabao 5, Dia 5, F. Abaya 4, Cabahug 0, Zules 0, Gonzales 0.

Quarterscores: 24-14, 46-37, 79-52, 94-76