ni Gilbert Espeña

KAHIT suntok sa buwan na manalo sa Mexico, hahamunin pa rin ni Pinoy boxer Rolando Magbanua ang walang talong si WBC Youth super featherweight champion Eduardo Hernandez sa Hunyo 24 sa Ciusad Juarez, Chihuahua.

Isa sa mga inaasahang maging kampeong pandaigdig ng Mexico ang 19-anyos na si Hernandez na natamo ang bakanteng WBC Youth title nang talunin via stoppage si Hugo Alfredo Santillan ng Argentina nitong Abril 1 sa Distrito Federal, Mexico.

Pero hindi natitinag si Magbanua na may karanasan na bilang dating interim WBO bantamweight champion at huling natalo nang lumaban sa malamig na Russia.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

May rekord si Hernandez na perpektong 22 panalo, 18 sa pamamagitan ng knockouts samantalang si Magbanua na kilala bilang “Smooth Operator” sa Pilipinas ay may kartadang 26-5-0 na may 18 pagwawagi sa kanockouts.